Magkakaroon ng balasahan sa mga immigration officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ay kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra kasunod narin ng pangakong pagpapatupad ng administrative disciplinary action laban sa mga opisyal ng Bureau of Immigration na sangkot sa pastillas scheme sa NAIA.
Nilinaw naman ng kalihim na kanila lamang itong ipapataw oras na matapos na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ginagawa nitong imbestigasyon hinggil sa naturang anomalya.
Samantala, matatandaang nauna nang binunyag ni BI Commissioner Jaime Morente na posibleng magkaroon ng sibakan sa kanilang hanay lalo na sa mga nakapwesto sa mga paliparan.