Saturday, May 4, 2024

Tinanggal na pekeng accounts ng Facebook ipinasasapubliko

- Advertisement -

Hinahamon ni Bayan Muna representative ang  Facebook na isapubliko ang mga pangalan ng pekeng FB accounts na tinanggal nito dahil umano sa paglabag sa kanilang community standards.

Ayon kay Zarate, dapat itong isapubliko ng Facebook lalo na ang mga accounts na iniuugnay sa Armed Forces of the Philippines(AFP) at Philippine National Police (PNP) gaya ng terrorist-tagging ng mga indibidwal at organisasyon mula sa oposisyon at kritiko ng administrasyong Duterte.

Aniya, kaniya ring hinihiling sa kamara na imbestigahan ang mga pekeng FB accounts upang malaman kung sino ang mga nasa likod nito at panagutin agad ang mga ito maging ang mga nagpopondo sa kanilang operasyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img