30.2 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Point-To-Point Travel Mula NCR Plus Patungong Catanduanes, Pinayagan Na

- Advertisement -




Pinayagan na ng Provincial Government of Catanduanes ang point-to-point travel mula NCR plus patungo sa probinsya simula Lunes, Hunyo 21, batay sa pinirmahan na Executive Order no. 24 ni Gov. Joseph C. Cua.

——–
EXECUTIVE ORDER NO. 024. Narito ang buong Executive Order na nagpapahintulot ng Point-to-Point Travel mula NCR Plus patungong Probinsiya ng Catanduanes.

Pinapaalala na ang maaari lamang bumiyahe ay ang mga pasahero mula sa lugar na nasasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) at Modified General Community Quarantine (MGCQ). Bukod dito, tanging mga Authorized Persons Outside of Residence (APOR) at mga essential travelers lamang ang puwedeng bumiyahe mula sa mga lugar na nasasailalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).




Kailangan pa ring gumawa ng account sa S-PaSS at magsumite ng mga requirements upang makakuha ng Travel Coordination Permit (TCP) at bumiyahe sa Catanduanes.

Magiging epektibo ito ngayong darating na Lunes, Hunyo 21.

(Source: Provincial Local Government of Catanduanes | Bicol News)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -