POGO ‘very essential’ sa gobyerno para sa laban kontra COVID-19 — Sen. Dela Rosa

0
12

Itinuturing na isa sa pinakamahalaga o ‘very essential’ ng pamahalaan ang industriya ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ito ang naging reaksyon ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa matapos na payagan ng pamahalaan ang partial re-opening ng POGO’s kahit na umiiral ng enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay Dela Rosa, itinuturing ng pamahalaan na napakahalaga na payagang makapag-operasyon muli ang POGO dahil sa buwis na makokolekta ng pamahalaan na maaring magamit na pondo laban sa COVID-19.

Una rito, sinabi naman ni Presidential Spokesman Harry Roque na kaya pinayagang makapag-operasyon ng gobyerno ang POGO ay dahil itinuturing itong kabilang sa business process outsourcing (BPO) industry.

Well, wala, give and take yan, sabihin mo hindi essential totoo nga hindi essential pero in the part of the administration naman very essential yan dahil kinakailangan nila ng perang panggastos sa COVID, sinasabi naman nila na malaki ang madadagdag sa ating gobyerno, sa ating laban sa COVID kung medyo makapag-operate yan partially, dagdag rin na income sa gobyerno,” ani Dela Rosa.