PNPA Alumni Homecoming ipinagpaliban muna dahil sa banta ng COVID-19

0
45

Ipinagpaliban na ang Alumni Homecoming ng Philippine National Police Academy (PNPA) na nakatakda sana sa March 12 hanggang March 15.

Itoy matapos isailalim sa state of public health emergency ang buong bansa dahil sa banta ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Ayon sa PNPA, mag-aantay muna sila ng abiso mula sa Department of Health (DOH) bago magtakda ng bagong petsa para sa Alumni Homecoming. —ulat mula kay jaymark Dagala (Patrol 9)