29.5 C
Manila
Friday, March 29, 2024

PNP tutulong sa pagbabantay sa presyo ng bilihin sa mga lugar na idineklarang state of calamity

- Advertisement -

Tutulungan ng PNP o Philippine National Police ang DTI o Department of Trade and Industry sa pagmomonitor sa presyuhan ng mga pangunahing bilihin sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, kanya nang binigyan ng direktiba si Criminal Investigation and Detection Group Director Chief Supt. Roel Obusan na tiyaking walang magsasamantalang negosyante.

Dagdag ni Albayalde, nakahanda rin aniya ang pulisya na samahan ang DTI sa pag-iikot sa mga pamilihan para bantayan ang presyuhan sa mga lugar na apektado ng habagat.

Paalala pa ni Albayalde, batay sa isinasaad ng batas, awtomatikong pinaiiral ang price freeze sa mga lugar na tinamaan ng sakuna at tungkulin ng pulisya na ipatupad ito.

(with report from Jaymark Dagala)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -