PNP: Pumapalo na sa 49 ang nagpapakalat nng fake news sa gitna ng COVID-19 crisis

0
15

Pumapalo na sa 49 ang na umanoy nagpapakalat ng fake news at sangkot sa online scam ang inaresto sa gitna na rin ng banta ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Ayon sa data ng Philippine National Police (PNP) Anti Cybercrime Group mula Marso 9 hanggang Abril 13, 24 na kaso na ang naisampa laban sa mga nagpapakalat ng mga maling impormasyon at mga umanoy dawit sa face mask scam.

Tinukoy ni PNP Spokesman Bernard Banac kumakalat na online at text messages hinggil sa standardization ng salary pension na hindi naman aniya tototoo batay sa pahayag ng PNP retirement and benefits administration service.

Una nang nagbabala ang PNP sa publiko na kakasuhan nang paglabag sa Republic Act 10175 o Anti Cybercrime Law ang mga magpapakalat ng fake news sa gitna nang dinaranas na health crisis ng bansa.