35.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

PNP, PDEA walang namamagitang personal conflict — Año

- Advertisement -

Walang personal conflict na namamagitan sa Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ito, ayon kay Interior Sec. Eduardo Año, kung saan sinabi nitong pareho niyang nakausap sina PNP Chief Oscar Albayalde at PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino.

Aniya, kapwa professional sina Albayalde at Aquino, at hindi totoo ang usap-usapan na may hidwaan sa pagitan ng dalawa.

Ang dalawa ay kapwa humarap sa pagdinig ng senado ngayong araw hinggil sa kuwestiyunableng pagpapatupad ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law, kung saan tatalakayin din ang ‘ninja cops’ o ang mga tiwaling pulis na nagrerecycle ng illegal drugs.

Gayunman, nilinaw naman ni Año na normal lang sa kanilang organisasyon at ahensiya ang pagkakaroon ng pagtatalo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -