Friday, May 3, 2024

PNP-NCRPO positibong may aktibong pulis na sangkot sa pangingidnap ng BIR officials

- Advertisement -

Positibo ang Philippine National Police-National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO) na mayroong mga aktibong pulis, isang retiradong militar at taga-loob ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na sangkot sa sindikatong nangingidnap ng BIR officials.

Ayon kay PNP-NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar, sa ngayon ay hindi pa nila pwedeng pangalanan ang mga nasa likod ng sindikato dahil kailangan pa ng mas matibay na ebidensya.

Patuloy anya ang imbestigasyon nila sa 13 armas, mga resibo at iba pang dokumento na nakuha sa sunod-sunod na raid na isinagawa nila laban sa sindikato.

Una rito, isa sa mga miyembro ng sindikato ang napatay nang salakayin ng pulisya ang kanilang hideout sa Marilao, Bulacan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img