PNP naniniwalang planado ang pananambang sa 3 pulis sa Camarines Sur

0
48

Naniniwala ang Philippine National Police (PNP) na planado ang pananambang ng mga rebelde sa grupo ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Nela Puno sa Camarines Sur, kung saan nasawi ang tatlong police escorts nito.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, hindi malabong sinadya ang nasabing pananambang dahil may pumutok pang improvised explosive device (IED).

Sinabi ni Albayalde na posibleng nakarating sa grupo ng mga rebelde ang pagkilos ng mga pulis lalo’t may VIP na bibisita sa lugar.

Hindi naman matiyak pa sa ngayon ni Albayalde kung ang pakay ng mga rebelde ay si Puno o ang mga pulis para makakuha ng mga armas.

Tiniyak naman ng opisyal ang malalimang imbestigasyon kaugnay sa insidente.