PNP nanindigang hindi masaker ang pagpatay sa 14 magsasaka sa Negros Oriental

0
59

Nanindigan ang PNP na hindi masaker ang pagpatay sa 14 na magsasaka sa Negros Oriental nuong Sabado.

Tiniyak ng PNP ang kahandaang sagutin ang mga imbestigasyon sa alegasyon laban sa kanila ng mga militante.

Iginiit ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde na nanlaban sa mga otoridad ang mga naturang magsasaka habang isinisilbi sa kanila ang arrest warrant.

May isang pulis pa aniya ang nasugatan habang 12 ang naaresto kaya’t nanindigan ang PNP chief na lehitimo ang operasyon.

Sinabi pa ni Albayalde na may mga kasong kinasasangkutan ang mga target ng operasyon tulad ng pananambang sa mga pulis at sundalo kayat aarestuhin sila.

May ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)