PNP nakaantabay sa isasagawang pagdinig ng Senado hinggil sa mga katiwalian sa PhilHealth

0
12

Handa na ang Philippine National Police (PNP) na bigyang seguridad ang mga opisyal ng PhilHealth.

Sa harap na rin ito nang ipapatawag na pagdinig ng Senado ngayong araw hinggil sa mga panibagong umano’y anomalya sa nasabing ahensya.

Sinabi ni PNP Spokesman Brigadier General Bernard Banac na wala pa naman silang natatanggap na request mula sa PhilHealth o sinumang opisyal nito na ipapatawag sa pagdinig.

Kasabay nito dumistansya ang PNP sa anumang ihahayag ni Atty. Thorrson Montes Keith dahil matagal na itong wala sa serbisyo bagama’t 2012 nang pumasok ito sa PNP bilang commissioned officer na may ranggong police senior inspector subalit sinibak nuong 2014 dahil sa labis na paga-AWOL.

Ibinasura ng Civil Service Commission ang inihaing apela ni Keith nuong 2017 para makabalik sa serbisyo.

Si Keith ay isa sa tatlong tinukoy na testigo ni Senador Panfilo Lacson na haharap sa pagdinig ngayon araw na ito. —ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)