PNP naka full alert vs CPP-NPA

0
21

Isinailalim na ng Philippine National Police (PNP) sa full alert status ang 215,000 pwersa nito.

Ito ang kinumpirma ni PNP spokesperson Brigadier General Bernard Banac sa pagtatapos ng ceasefire ng gobyerno sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Matatandaang magkasunod na nagdeklara ng tigil putukan ang gobyerno at rebeldeng grupo noong Marso 19 at Marso 26 para sa kapayapaan ng bansa sa gitna ng krisis dahil sa COVID-19.

Gayunman, dahil sa serye ng pag-atake ng NPA sa security forces ng kawani ng gobyerno na namamahagi ng social amelioration program (SAP) ay tinapos na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang tigil putukan noong Abril 16.