PNP naka full alert na ngayong kapaskuhan

0
21

Ipinatupad na ng Philippine National Police (PNP) ang full alert status para sa pagdiriwang ng bansa sa kapaskuhan.

Ayon kay PNP Spokesperson Pol. Brig. Gen. Bernard Banac, nakakalat na ngayon ang mahigit 70,000 pulis sa buong bansa katuwang na rin ang mahigit 150,000 mga force multipliers.

Aniya, pinalakas rin ng kanilang hanay ang police visibility sa mga areas of convergence lalo na sa mga simbahan ngayong nagsimula na ang tradisyonal na simbang gabi.

‘’Asahan natin na talagang ang mga kababayan natin ay magsisipaglabasan na, mamimili, at yun namang iba ay magsisipag uwian na. sa kani-kanilang mga lalawigan kaya todo alerto na sa mga bus terminals, airports and seaports at lahat ng mga commercial establishments, mga palengke at mga malls.’’ Ani Banac.

Samantala, isasabay rin sa inilatag na seguridad ng PNP ang anibersaryo ng Communist Party of the Philippines sa Disyembre 26.

‘’Itong pagtataas natin ng alert level ay siya nan gating tugon dito sab anta nila subalit talagang gusto nilang gumawa ng karahasan at gumawa ng terroristic activities na hindi katanggap-tanggap sa ating mga mamamayang Pilipino lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan na ang dapat ay pinapairal ay paguunawaan at hindi yung  karahasan at yung galit o kaya yung paggawa ng krimen,’’ ani Banac — sa panayam ng Balitang 882.