34.3 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

PNP nagpatupad ng balasahan sa kanilang mga opisyal

- Advertisement -

Nagpatupad ng balasahan ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang mga opisyal kasunod ng pagreretiro ni dating Deputy Director for Administration Director General Ramon Apolinario, kahapon.

Batay sa ipinalabas na appointment order ng PNP Directorate for Personnel and Records Management, itinalaga bilang bagong Deputy Chief for Administration si Police Deputy Director General Fernando Mendez kapalit ni Apolinario.

Papalitan naman ni PNP Directorial Staff Deputy Director General Archie Gamboa si Mendez bilang deputy chief for operations.

Samantala pamumunuan naman ni dating Civil Security Group (CSG) Director Camilo Cascolan ang nabakanteng posisyon ni Gamboa bilang pinuno ng PNP Directorial Staff.

Maninilbihan naman si Chief Superintendent Reynaldo Biay bilang bagong acting director ng CSG habang papalitan naman siya ni Chief Superintendent Mariel Magaway bilang bagong deputy director ng Directorate for Intelligence.

Epektibo ang mga bagong appointment simula ngayong araw, Setyembre 1.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -