PNP nagbunyi sa pagkakatalaga kay Gamboa bilang PNP Chief

0
9

Welcome sa Philippine National Police ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Police Lt/Gen. Archie Francisco Gamboa para maging PNP Chief.

Ayon kay PNP Spokesperson P/BGen. Bernard Banac, sa ilalim ng pamumuno ni Gamboa sa PNP, mas magiging maigting ang kampanya kontra illegal na droga, krimen at katiwalian salig sa rule of law at paggalang sa karapatang pantao.

Mas tutukan rin aniya ni Gamboa bilang PNP Chief ang internal cleansing program upang maalis na ang kanilang mga kabaro na patuloy na nasasangkot sa katiwalian.

Sa ganitong paraan aniya, makatutulong ito na maibalik ang buong pagtitiwala ng publiko sa mga pulis matapos ang ilang kontrobersyang kinasangkutan ng ilan sa kanila nitong mga nakalipas na buwan.