PNP may 4 na bagong Heneral

0
49

May apat nang bagong Heneral ang Philippine National Police (PNP) matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang promotion ng mga ito.

Kabilang sa mga ginawaran ng unang Estrella sina P/Bgen. Harold Tuzon ng Office of the Chief Directorial Staff; P/Bgen. Wilfredo Pornillos ng Directorate for Plans; P/Bgen. Benjamin Silo Jr. at P/Bgen. Alexander Tagum na kapwa nasa Office of the Chief PNP.

Mismong si PNP Chief P/Gen. Camilo Cascolan ang nanguna sa donning of ranks ng mga bagong heneral ng PNP na ginawa sa punong tanggapan nito sa Kampo Crame.

Kasunod nito, sinabi ng PNP Chief na asahan nang may mga madaragdag pa sa mga pulis na mapo-promote dahil sa marami ring mga opisyal ang nakatakda nang magretiro sa mga susunod na linggo.