PNP ipinagbabawal ang pagdalo sa mga lamay

0
26

Mahigpit na ipinagbabawal ng Philippine National Police (PNP) ang pagdalo sa mga lamay.

Ayon kay PNP Spokesman, Brig. General Bernard Banac, kasama ang lamay sa mga public gatherings na ipinagbabawal sa ilalim ng Luzon-wide community quarantine.

Tanging ang immediate family anya at religious leaders na nagsasagawa ng ritwal para sa mga namayapa ang papayagan sa lamay.