31.1 C
Manila
Saturday, April 13, 2024

PNP inaming may mga cargo ang nade-delay

- Advertisement -

Aminado ang Philippine National Police (PNP) na mayroong mga cargo ang nade-delay ang delivery sa mga kanilang destinasyon.

Ayon kay Police Lt. General Guillermo Eleazar, Hepe ng Joint Task Force COVID Shield, may kanya-kanyang kasing panuntunan ang ilang local government units (LGU) sa kagustuhan nilang bigyan din ng proteksyon ang kanilang constituents.

Maliban pa aniya sa ilang barangay na gumagawa rin ng sariling patakaran kaya’t minsan ay nahaharang ang mga cargo.

Sinabi ni Eleazar na tungkulin ng kanilang task force na tiyaking maipatutupad ang general guidelines ng Inter Agency Task Force (IATF) kung saan kabilang ang pagtiyak na hindi made-delay ang delivery ng mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan at hindi magkaroon ng food shortage.

Kaya aniya kapag nakaka-engkuwentro sila ng problema sa mga LGU’s ay tumatakbo na lang sila sa Department of Interior and Local Government (DILG) upang mamagitan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -