Friday, May 17, 2024

PNP ikinalugod ang balik-operasyon ng STL — PNP spox

- Advertisement -

Ikinalugod ng Philippine National Police (PNP) ang muling pagbabalik operasyon ng Small Town Lottery (STL).

Ito’y makarang alisin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensiyon ng operasyon ng STL.

Ayon kay Brig. Gen. Bernard Banac, tagapagsalita ng PNP, maganda na muli nang naibalik ang operasyon ng STL dahil mas madali na nilang mamomonitor ang lahat ng operasyon at hindi na tila makikiapagtaguan pa sa mga illegal na aktibidad sa lipunan.

Makabubuti rin aniya ito para sa mga empleyadong nawalan ng hanap-buhay sa pagkakahinto ng operasyon ng STL dahil hindi na sila matutuksong umanib pa sa mga illegal numbers game upang magkaroon ng mapagkakakitaan.

Samantala, tiniyak naman ni Banac na hindi sila titigil sa pagmamanman sa mga tiwaling operators na maaaring gamitin ang pagkakataong ito upang sabayan ang muling pagbabalik ng operasyon ng STL.

Ratsada Balita Interview

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -