PNP iimbestigahan ang komunistang grupong KAGUBAK sa Negros Oriental

0
52

Iimbestigahan ng PNP ang grupong Kawsa Guihulngan Batok (KAGUBAK) Komunista sa Negros Oriental.

Kasunod na rin ito nang pagturo ni Senador Risa Hontiveros sa KAGUBAK na nasa likod ng serye ng patayan sa lalawigan.

Inamin ni PNP Chief General Oscar Albayalde na hindi niya naririnig ang nasabing grupo kaya’t pina-iimbestigahan niya sa Regional Police ang pagkakasangkot ng KAGUBAK sa patayan sa Negros.

Interesado rin aniya silang alamin o imbestigahan  ang umano’y listahan ng grupo na nais patayin nito.