PNP-HPG at MMDA sanib pwersa sa pagmamando ng traffic sa EDSA

0
12

Magkasanib pwersa na ang PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagmamando ng trapiko sa EDSA.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, napagkasunduan ng dalawang ahensya na maghati sa mga tutukang kalsada na bahagi ng EDSA.

Inaasahan naman na mas mapapabuti ang lagay ng trapiko sa EDSA dahil pagbibigay ng disiplina sa mga motorista ng magkatuwang na hanay.

Nakatakdang magsimula ang operasyon ng PNP-HPG at MMDA sa September 9, araw ng Lunes.