Saturday, May 18, 2024

PNP hinimok ang CHR na makibahagi sa pagresolba sa ‘jail congestion problems’

- Advertisement -

Hinimok ng Philippine National Police (PNP) ang Commission on Human Rights (CHR) na makibahagi sa pagresolba sa problema sa mga siksikang kulungan sa bansa lalo na sa Metro Manila.

Ayon kay PNP Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde, aminado siya na limitado lamang ang kanilang kakayahan para makaroon ng pagbabago sa sitwasyon ngayon sa mga kulungan sa bansa.

Sinabi pa ni Albayalde na maging ang kanilang pondo ay kulang pa para pambili ng mga baril, sasakyan, communication equipment at iba pang kailangan pagkagastusan.

Ngunit aniya may kakayahan din ang CHR na impluwensiyahan at i-akyat sa national level ang problema ukol sa mga piitan sa bansa upang mas makakuha ng atensyon at maaksyunan.

Maaari din umanong makatulong ang CHR na makumbinsi ang mga local chief executive na maisa-ayos ang mga detention cells at police stations.

Sinabi ni Albayalde na dahil sa pinaigting na kampanya kontra iligal na droga ay mas lalo pang dumadami ang mga nakukulong dahilan para lalong sumikip ang mga kulungan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -