PNP hihintayin muna ang IRR ng Anti-Terror Law bago gumawa ng kaukulang hakbang

0
17

Nakatakdang bumuo ng isang special law enforcement team ang bagong anti-terrorism council.

Ito’y ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Archie Gamboa ang siyang naatasang magpatupad ng kalalagda pa lamang na Anti-Terrorism Act of 2020.

Gayunman, ayaw munang pangunahan ni Gamboa ang magiging komposisyon ng bubuuing special team .

Makabubuti aniyang hintayin na muna ang babalangkasing Implementing Rules and Regulations (IRR) ng batas na siyang maglalatag ng bagong lupon na tututok sa terrorismo.

Una nang tiniyak ni Gamboa sa publiko na hindi maaabuso ang bagong batas at patuloy nilang itataguyod ang karapatang pantao na nakasalig sa konstitusyon.