PNP handa imbestigahan sa paglabag ni Pimentel sa quarantine protocol

0
23

Handa ang Philippine National Police (PNP) na imbestigahan ang umanoy paglabag ni Senator Koko Pimentel sa quarantine protocol.

Ayon kay PNP Spokesperson P/Brig. Gen. Bernard Banac, kanila lamang ito gagawin oras na makatanggap na sila ng pormal na reklamo mula sa ospital o sinomang complainant laban sa senador.

Iginiit pa ni Banac na kapag nakitaan ng probable cause ng korte ang kasong isasampa laban sa senador ay susundan na anila ito ng paghahain ng warrant of arrest.

Sa ngayon, naghihintay na lang aniya ang pnp ng formal complaint laban sa senador bago umaksyon.