29.5 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

PNP bumuo ng SITG para sa imbestigasyon sa pagpatay kay Chan

- Advertisement -

Bumuo na ng Special Investigation Task Group (SITG) ang Philippine National Police (PNP) para tutukan ang imbestigasyon sa pagpatay kay retired Police General at Congresman Marlou Chan.

Ayon kay PNP Spokesperson Brig. General Bernard Banac, pangungunahan ang task group ng Police Regional Office 1.

Tiniyak naman ni Banac na kanilang tinitignan ang lahat ng anggulo para matukoy ang motibo sa krimen kabilang na ang dating trabaho ni Chan bilang dating hepe ng Pangasinan Police.

Aniya, posibleng may nasagasaang criminal groups o sindikato si Chan na nagtanim ng galit dito noong nasa serbisyo pa ito.

Tinambangan si Chan ng mga hindi pa nakikilalang mga salarin sa bahagi ng barangay Nalsiyaan sa Calasiao Pangasinan noong huwebes, Enero 9. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -