Saturday, May 4, 2024

PNP bukas at handa sa pagkakaroon ng localized peace talks sa pagitan ng NPA

- Advertisement -

Bukas at nananatiling handa ang Philippine National Police (PNP) sa pagkakaroon ng localized peace talks sa pagitan ng New People’s Army (NPA) at sa anumang banta sa seguridad ng bansa.

Ito’y ayon kay PNP Spokesman Police Colonel Bernard Banac makaraang buwagin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace panel ng gobyerno na mag-aareglo sana upang tuluyan nang magkaroon ng kapayapaan sa pagitan ng mga rebeldeng komunista.

Bukas din aniya ang kanilang hanay maging ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga gustong sumuko mula sa NPA.

Samantala, sinegundahan naman ang pahayag na ito ng pwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ayon kay NCRPO chief Police Major General Guillermo Eleazar, bagaman tinuldukan na ng pangulo ang peace talks sa national level ay bukas pa rin ito sa lokal na antas.

Sa katotohanan anya ay mas naging epektibo pa ang pagkakaroon ng localized peace talks sa bansa.

“In fact, mas naging matagumpay at mas naging epektibo itong localized peace talks. Tuloy-tuloy po ang ginagawa ng lahat ng mga rehiyon through the DILG para po sa peace talk na nangyayari on the localized level na nag resulta sa pagbabagong buhay at panunumbalik ng ating mga kasamahan na naligaw ng landas at ngayon bahagi na ng ating lipunan.” Pahayag ni Eleazar.

interview from Todong Nationwide Talakayan
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img