PNP aminadong nahirapan kontrolin ang publiko sa paggamit ng paputok sa Bagong Taon

0
28

Aminado ang Philippine National Police (PNP) na nahirapan silang kontrolin ang publiko hinggil sa paggamit ng mga paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Ito ay sa kabila ng executive order no. 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan may nakatakda lamang na firecracker at fireworks zone kung saan dito lamang maaring magpaputok.

Ayon kay Lt.  Col. Lorenzo Kim Cobre, officer-in-charge ng PNP-Explosive Management Division ng Firearms and Explosives Office, bahagya silang nahirapan kontrolin ang publiko lalo na noong bisperas ng Bagong Taon.

Gayunman, tiniyak naman ni Cobre na hindi naman nagkulang ang pulisya sa pag-aresto sa mga lumabag sa nasabing kautusan noong mga nagdaang araw.

Ang firecracker po ay isa sa mga reason kung bakit may mga arrest na nangyari nitong mga nakaraan, ito ay dahil po sa paggamit ng firecracker outside the firecracker zone, so, gumagana po –although ‘yung mga tao, some were still practicing ‘yung kung ano ‘yung nakagawian po nila, especially, [December] 31, ‘yung night time medyo mahirap na pong kontrolin ‘yon dahil nando’n nalang po sila sa kanilang mga bahay,” ani Cobre.