Friday, May 3, 2024

PNP-AKG binabantayan ang mga dating pulis na kasabwat ng mga Chinese kidnappers

- Advertisement -

Binabantayan na ng PNP Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang mga dating pulis at sundalo na kinukutsaba ng mga Chinese kidnappers.

Ayon kay PNP-AKG Spokesman, Police Lt/C. Elmer Cereno, ang mga ito aniya ang nasa likod ng mga kaso ng pagdukot sa mga Tsino na nababaon sa utang dahil sa casino.

Dagdag pa ni Cereno, napag-alaman din nilang ang mga dating sundalo’t pulis pa ang siyang nagbibigay umano ng safehouse sa mga Chinese kidnapping syndicate.

Bagama’t hindi muna pinangalanan ni Cereno kung sino ang mga nasasangkot, sinabi nito na may nakasuhan na sila at hinihintay na lang ang hatol ng korte laban sa mga ito.

With report from Jaymark Dagala.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img