PNP aarestuhin ang sinumang lalabag sa health protocols sa mga public markets

0
18

Aarestuhin na ng Philippine National Police (PNP) ang sinumang lalabag sa mga ipinatutupad na health protocols sa mga pampublikong pamilihan.

Ayon kay PNP Spokesman Police Brig. Gen. Bernard Banac, ito ay dahil na rin sa bisa ng bayanihan to heal as one act kung saan nakapaloob ang mga alituntunin upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Kabilang sa mga alituntunin na ito ang ilang mga health protocols gaya na lamang ng social distancing.

Ayon kay Banac, mayroon kasing mga nagmamatigas na hindi sumusunod sa social distancing kaya’t ibinabala na ni banac na hindi mag-dadalawang isip ang pulisya na arestuhin ang sinumang lalabag sa naturang kautusan.

Una rito, ini-anunsiyo na ng PNP na magtatalaga sila ng karagdagang tauhan sa mga pamilihan sa bansa.