PNOY tiwala susundin ni PRRD ang konstitusyon kaugnay sa usaping succession

0
51

Tiwala ang dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na susundin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang konstitusyon sa usapin ng succession.

Kasunod na rin ito ng pahayag ng pangulo na ayaw niyang si Vice President Leni Robredo ang pumalit sa kaniya sakaling mag-resign siya.

Sa paggunita sa ika tatlumpung limang death anniversary ng amang si dating Senador Benigno Ninoy Aquino Jr., sinabi ng dating pangulo na malinaw sa mandato ng konstitusyon kung sino ang uupo bilang chief executive ng bansa kapag umalis sa puwesto ang pangulo.

Kasabay nito, naniniwala ang dating pangulo na maayos na mapangangasiwaan ni Robredo ang bansa kung susundin ang opinyon ng mga bumoto rito nuong nakalipas na eleksyon.

Wala aniya siyang karapatang kontrahin ang desisyon ng taumbayan na may karapatang magbigay ng mandato.