PMA umapela kay Duterte na payagang gamitin muli ang dengvaxia

0
36

Umapela ang Philippine Medical Association (PMA) kay Pangulong Rodrigo Duterte na payagan na muling gamitin ang kontrobersyal na dengvaxia sa mga pasyenteng tinamaan na ng sakit na dengue.

Sa isang kalatas, iginiit ng PMA na dahil kinikilala na ng World Health Organization (WHO) ang dengvaxia para maging preventive measure, dapat anilang iturok ito ng kusang loob at batid ang epekto nito.

Gayunman, nilinaw ng PMA na dapat ibigay lamang ang dengvaxia sa mga batang may edad siyam na taon pataas at kailangang nakaranas na ng dengue infection sa nakalipas.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), aabot na sa mahigit dalawandaan at walong libo na ang naitalang kaso ng dengue kung saan, 882 rito ang nasawi hanggang nitong Agosto 10.