29.6 C
Manila
Friday, April 19, 2024

PMA nakikipag-ugnayan na sa DOH, IATF kagunay sa second wave ng mga frontliner

- Advertisement -

Nakikipag-ugnayan na ang Philippine Medical Association (PMA) sa Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force (IATF) at iba pang organisasyon kaugnay sa second wave ng mga frontliner.

Ayon kay PMA Vice President Benito Atienza, iminumungkahi nila ang pagkakaroon ng second wave frontliners o physicians dahil sa kakulangan na ng kanilang tao.

Ani Atienza, dahil sa dami ng tinututukang pasyente ng mga frontliners, nakakaramdam na ang mga ito ng pagod kaya’t kailangan din ng hahalili sa kanila.

Bukod dito, marami na rin umanong naka-quarantine na doktor na may kapalit sa loob ng dalawang linggo.

Kasabay nito, nanawagan si Atienza sa gobyerno na mabigyan ng safety gear ang lahat ng mga frontliner sa bansa upang maingatan ang kanilang buhay laban sa sakit.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -