Naga City — Nagpaalala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga plantitos at plantitas o ang mga mahihilig magtanim o di kaya ay magbenta ng mga kakaibang halaman lalo pa ang mga critically endangered.
Sa panayam kay Benny Antones ng CENRO Iriga City sinabi nitong batid nila na marami ang nakikiuso sa trend na ito at pati ang badyang ay pinag- iinteresan.
Base sa National Commission for Culture and the Arts, ang badyang (galyang/giant taro) ay critically endangered batay sa datos ng International Union for Conservation of Nature (IUCN).
Anya ang PENRO Camarines at CENRO Naga City ay magkakaroon ng information drive para sa mga residente sa sa entry at exit points ng mayamang Mt. Isarog upang maging katuwang sa pagmonitor sa mga magpapalusot ng mga endangered forest plants.
(Source: DENR – Bicol)
