29.8 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Planong rehabilitasyon sa ilog Pasig sisimulan na

- Advertisement -

Nagsimula nang magpulong ang mga ahensya ng gobyerno at Manila City Government kaugnay sa planong rehabilitasyon sa Pasig River.

Ang pulong ay dinaluhan nina Transportation Secretary Arthur Tugade, Coast Guard Commandant Admiral Joel Garcia, DENR Secretary Roy Cimatu, DILG Secretary Epimaco Densing III at Marina OIC Administrator Vice Admiral Narciso Vingson Jr.

Kasama din sa pulong sina Philippine Ports Authority General Manager Jay Daniel Santiago, MMDA General Manager Danilo Lim, MMDA General Manager Jojo Garcia at Manila Mayor Isko Moreno.

Ayon kay Tugade kailangang matanggal ang mga barge na matagal nang nakatengga sa Ilog Pasig.

Kailangan aniyang malinis ang Pasig River para sa maginhawang paglalayag ng Pasig River Ferry para mas tangkilikin ito ng publiko.

Sa panig ng Manila City Government sinabi ni Mayor Isko Moreno na magsasagawa ng clearing operations ang lokal na pamahlaan sa bahagi ng Pasig River na nasasakupan ng Maynila.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -