Planong hosting bid para sa 2030 Asian Games ikukonsulta pa kay Duterte — Cayetano

0
14

Planong magsumite ng hosting bid para sa 2030 Asian Games si PHISGOC Chairman at House Speaker Alan Peter Cayetano.

Ayon kay Cayetano, kaniya pa itong ikokonsulta kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nilinaw rin ni Cayetano na hindi sa susunod na pamahalaan ang mamumuno sa hosting ng 2030 Asian Games kundi ang pangalawa pang administrasyon matapos ang Duterte Administration.

Positibo kasi aniya ang house speaker na kapag nanalo ang bansa sa bidding, tiyak na pera at trabaho ang papasok sa Pilipinas.