Piso vs dolyar bahagyang humina

0
49

Bahagyang humina ang halaga ng piso kontra dolyar.

Ito ay matapos matapyasan ng 5 sentimos ang halaga ng piso at tuluyang sumadsad sa P52.10 cents kontra dolyar, kumpara sa P52.5 cents na foreign exchange nitong Biyernes.

Ayon kay Market Economist Guian Angelo Dumalagan, ang pagbagsak ng halaga ng piso ay bunsod ng ipinataw na karagdagang taripa ng Estados Unidos sa mga produkto mula China.