Pinsala ng COVID-19 sa bansa posibleng maramdaman pa sa susunod na 3 taon —Recto

0
23

Posibleng abutin pa ng tatlong taon bago tuluyang makabangon ang ekonomiya ng bansa dahil sa pinsalang dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis.

Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto kung saan aabutin pa aniya ng dalawa hanggang tatlong taon bago makarekober ang bansa sa pinsalang iiwan ng COVID-19.

Sinabi ni Recto, posible kasing maramdaman pa sa susunod na dalawa hanggang tatlong taon ang problemang ka-akibat ng COVID-19.

Dagdag pa nito, dapat din na mabigyan ng sapat ng tulong ang mga maliliit na negosyante at maliliit na manggagawa, at dapat ding mapalakas ang health facilities ng bansa.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Senate Committee on Economic Affairs chair Imee Marcos na magiging mabagal ang recovery ng ekonomiya lalo na’t wala pang bakuna laban sa COVID-19.

Una rito, sinabi ni Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) governor Benjamin Diokno na posibleng sa ika-apat na quarater pa ng taong 2020 tuluyang maka-rekober ang ekonomiya ng bansa, kung maco-contain na ang COVID-19 pag sapit ng Hunyo.