China dapat pagbayarin sa mga nasirang reef ecosystems sa WPS —Hontiveros

0
14

Dapat na obligahin ng pamahalaan ang gobyerno ng China na bayaran ang pagsasagawa nito ng umano’y ‘ecologically destructive’ na mga aktibidad sa islang sakop ng West Philippine Sea (WPS).

Sa ilalim ng ihinaing Senate Resolution No. 369 ni Senator Risa Hontiveros, iginiit nito na aabot sa P200-billion ang halaga ng utang ng China sa Pilipinas matapos na masira ang nasa 1,850 ektarya ng reef ecosystems ng Panatag at Spratly Islands.

Ayon kay Hontiveros, batay sa pag-aaral ng International Journal Ecosystem Services noong 2012, aabot sa P33-billion ang halaga ng annual damage sa naturang karagatan.

Aniya, panahon na para pagbayarin ang China, lalo na sa panahon ngayon kung saan maaring magamit ng bansa ang naturang halaga bilang pondo sa pagtugon sa COVID-19 crisis.