Piñol nanumpa bilang bagong Chairman ng MinDa

0
46

Nanumpa na bilang bagong Chairman ng Mindanao Development Authority (MinDa) si dating Agriculture Secretary Manny Piñol.

Ayon sa dating kalihim, mas dumami ang kanyang trabaho dahil bukod sa pagiging “point person” ng pangulo sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay magdadagdagan pa ang kanyang mga nasasakupan.

Aniya, sisikapin niyang maging kasing sipag katulad noong siya ay kalihim ng agrikultura at nangakong hihigitan pa ang kanyang mga nagawa.

Matatandaang itinalaga ni Pangulong Duterte si Piñol bilang Chairman ng MinDa dahil mas alam daw nito ang pasikot-sikot sa pamamahala sa naturang lugar.

Tatagal ng anim na taon ang panunungkulan ni Piñol bilang Chairman ng MinDa.