Piñol naghain na ng courtesy resignation

0
48

Naghain na ng courtesy resignation si Agriculture Secretary Manny Piñol kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang kinumpirma ni Senator elect Christopher ‘Bong’ Go sa kanyang pagharap sa media habang nasa Malakanyang kagabi.

Ayon kay Go, kabilang sa tinukoy ni Piñol na dahilan ng kanyang pagbibitiw ang posibilidad na wala nang tiwala at hindi na kuntento sa kanyang trabaho si Pangulong Duterte.

Gayundin anito ang nangyaring kakulangan sa suplay ng bigas nitong 2018 na nakaapekto sa performance ng kalihim.

Dagdag ni Go, nagrekomenda rin si Piñol ng tatlong undersecretary na maaaring pansamantalang pumalit sa kanya bilang pinuno ng Kagawaran ng Agrikultura.