29.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Pinay arestado matapos mahulihan ng P40M halaga ng shabu sa NAIA

- Advertisement -

This is a developing story. Please refresh page for updates.

Arestado ang isang Pinay matapos mahulihan ng milyon-milyong halaga ng shabu sa NAIA Terminal-3 ngayong umaga ng Biyernes, ika-8 ng Nobyembre.

Ito’y makaraang makumpiska mula sa Pinay ang 6-kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P40-million.

Dakong 3:30 AM nang dumating ang suspek sa NAIA Terminal-3 sakay ng isang Cebu Pacific flight.

Hawak na ngayon ng mga otoridad mula sa Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug enforcement Agency (PDEA) ang Pinay at kasalukuyang isinasailalim sa tactical interrogation.

Samantala, anumang minuto mula ngayon ay magkakaroon ng pulong-balitaan ang mga otoridad hinggil dito. — ulat ni Raoul Esperas

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -