Pinangunahan nila Mayor Magalong, Congressman Go at Chairman Domogan, ang pagbubukas ng Baguio Flower Festival 2024 Session Road in Bloom

0
17

Baguio City – Mahigit sa 300 negosyante sa lungsod ng Baguio at sa iba pang lugar at mga probinsiya ang sumali sa isang linggong kaganapan na nag aalok ng pagkain mapa lokal man o mapabanyaga, mamili ng iba’t ibang produkto na gawa ng kamay at maglibang sa kakaibang mga tanawin ng Session Road.

Ang isang linggong kaganapan sa Session Road ay tatakbo hangang Marso a tres ng taong ito. Baguio City Police Office City director nagpakita ng suporta sa pagbubukas ng Session Road in bloom.

Samantala, dumalo si Baguio City Police Office City Director, PCOL FRANCISCO B. BULWAYAN, JR., sa Grand Opening at Ribbon Cutting of Session Road in Bloom, sa paanan nito noong lunes. Ang Grand Opening and Ribbon Cutting ceremony ay sinaksihan ng mga lokal na opisyal at maging ng mga taga Baguio.

Ang kaganapan ay isang pagpapakita ng lungsod sa pangako nito sa pakikiisa at pagtataguyod ng lokal na negosyo sa lungsod ng Baguio. Ang presensia ng City Director sa naturang kaganapan ay nagbibigay diin sa pagsuporta ng Baguio City Police Office sa pagtataguyod ng ligtas at masiglang kaganapan tulad nito.

Ang Session Road in Bloom ay nagbibigay ng pangako bilang lugar na kung saan ang mga residente ng lungsod maging ng mga bisita ay magkitakita upang kanilang madama ang kakaibang timpla ng kultura, aliwan at ang kakaibang alay ng lungsod. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of PIO Baguio)

Leave a Reply