Ipatutupad na ng DTI o Department of Trade and Industry simula sa Miyerkules , August 1 ang pinalawak na SRP o Suggested Retail Price sa mga pangunahing bilihin.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, sakop ng expanded SRP ang mga prime commodities at basic necessities kabilang ang premium brands gaya ng mga de latang sardinas, gatas, kape, sabon, kandila at tinapay.
Paliwanag ni Castelo, makakatulong ito para mabigyan ng pagpipilian ang mga konsyumer sa mga premium at budget na brand ng produkto.
Nilinaw naman ng DTI na ang pagpapatupad ng SRP ay hindi nangangahulugang kinokontrol ng gobyerno ang presyo ng mga bilihin.