31.9 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Pinakitang bayanihan ng mga Pilipino sa mga apektado ng pag-alburuto ng Bulkang Taal puri ni Tagle

- Advertisement -

Pinapurihan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang ipinakitang bayanihan ng mga Pilipino sa gitna ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Sa isang pahayag, sinabi ni Tagle na labis niyang hinangaan at ipinagpa-pasalamat ang kabutihang ipinamalas ng mga Pilipino sa mga biktima ng kalamidad.

Lalong-lalo na aniya ang pagpapahatid ng tulong at pangunahing pangangailangan ng mga naapektuhan sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Kaugnay nito, umapela rin naman si Cardinal Tagle sa mga taong-simbahan na ipagpatuloy lamang ang pagpapahatid ng ayuda sa mga naapektuhan ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Batay naman sa pinakahuling monitoring ng PHIVOLCS, nanatili pa ring nakataas ang alert level 4 sa Taal Volcano na nangangahulugan na may napipinto pa ring mapanganib na pagsabog.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -