Pinakamataas na unemployment rate sa bansa naitala —SWS

0
16

Naitala ang record-high na 45.5% o 27.3 milyon na bilang ng mga adult na walang trabaho sa bansa sa gitna ng nararanasang pandemya bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito’y batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan higit na mataas ito sa naitala nuong Disyembre 2019 na 17.1% o 7.9 milyon.

Sakop sa nasabing bilang ng walang trabaho o “jobless adult” ay ang mga nabitiw sa trabaho, first time job seeker, at mga nawalan ng trabaho dahil sa hindi kontroladong sitwasyon.

Samantala sa kaparehas na survey lumalabas na isa sa kada limang Pilipino ang nagsasabing nawalan sila ng kabuhayan dahil sa COVID-19 pandemic.

Isinagawa ang survey mula July 3 hanggang July 6 sa 1,555 adult Pinoy sa buong bansa.