Pinakamataas na death toll dahil as COVID-19, naitala sa Italy

0
16

Naitala na sa bansang Italy ang pinakamataas na bilang ng pagkasawi sa buong mundo dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), sa loob lamang ng isang araw.

Ito ay matapos na pumalo sa 475  ang panibagong kaso ng pagkasawi dahil sa naturang virus.

Dahil dito, umakyat na sa kabuuang 2,678 ang kabuuang bilang ng namatay sa Italy, na siya ring pinakamataas na bilang sa labas ng China.

Batay sa pinakahuling datos na ipinalabas ng bansa, pumalo na sa mahigit 35,000 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 infection sa Italy.

Samantala, dahil sa dami ng naitatalang namamatay sa virus, ginagawa na ring punerarya o himlayan ang mga simbahan sa Italy.