Pinakamataas na bilang ng mga estudyanteng nalilibre sa MRT-3 naitala kahapon

0
12

Naitala kahapon ang pinakamataas na bilang ng mga estudyanteng nakinabang sa libreng sakay ng MRT 3.

Ayon sa Department of Transportation o DOTR, pumapalo sa 2,532 pasaherong estudyante ang nag benepisyo sa Student Free Ride program kahapon.

Sa kabuuan, nasa halos 64,000 mag aaral mula pre-school hanggang kolehiyo, kasama na ang mula sa mga trade/vocational school, ang nag benepisyo sa nasabing programa.

Tuluy-tuloy naman ang pagtanggap ng application para sa Student Free Ride program sa pamamagitan ng https://tinyurl.com/y66f8nr4.

Sinabi ng DOTR na u-ubra ring personal na mag apply sa Malasakit Help Desk sa mga istasyon ng MRT 3.