Pinagmulan ng COVID-19 hindi pa tukoy ang pinagmulan — WHO

0
13

Nilinaw ng World Health Organization (WHO) na hindi pa tukoy sa ngayon ang pinagmulan ng corona virus disease 2019 (COVID-19).

Ito’y matapos maglabasan ang iba’t ibang espekulasyon tungkol sa pinanggalingan ng virus.

Ayon kay Dr. Rabindra Abesayinghe, kinatawan ng WHO sa bansa, hangga’t wala pang napatutunayan sa mga isinasagawang pag-aaral ay mananatiling teorya lamang ang mga hinuha kung saan galing ang COVID-19.

Isa sa sinasabing pinagmulan ng sakit ay ang bat soup o sinabawang paniki.