Pimentel sinopla si Villar

0
60

‘Mind your own party.’

Ito ang naging sagot ni Senador Koko Pimentel kay Senadora Cynthia Villar matapos silang pagsabihan nito ukol sa pagsasaayos ng kanilang partido.

Ayon kay Pimentel, hindi sila kailangan na sabihan pa dahil alam na ng partido PDP-Laban na kailangan nilang pag-usapan ang anumang problemang kanilang kinakaharap.

Aniya, tulad nila ay lider din ng partido si Villar kaya sa halip na sabihan sila ay dapat na ang partido nacionalista ang siyang pagtuunan nito ng pansin.

Una nang nagpaikot si Senador Manny Pacquiao na miyembro ng PDP-Laban ng resolusyon ng pagsuporta kay Senate President Tito Sotto III ngunit tumangging lumagda si Villar.

Dito ay sinabihan ni Villar si Pimentel at Pacquiao na kausapin ang kanilang mga kapartido para maayos ang usapin at huwag siyang idamay lalo pat siya ang pinalulutang ng ilang baguhang senador na papalit kay Sotto sa pwesto.